Malakanyang, nagpaalala sa publiko na gawing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon

Muling umapila ang Malakanyang sa publiko na gawing ligtas ang pagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque,  huwag kalilimutan ng publiko na nananatiling banta sa kalusugan ang COVID 19.

Ayon kay Roque hangga’t maaari ay ipagdiwang ang New Year sa loob lamang ng tahanan at huwag ng mag-imbita ng mga kamag-anak mula sa ibang lugar.

Inihayag ni Roque na idaan na lamang sa online ang pagkikipag-ugnayan sa mga kamag-anak mula sa ibang lugar sa pagsalubong sa bagong taon.

Ipinaalala din ng Malakanyang na iwasan din ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon upang iwas disgrasya.

Vic Somintac

Please follow and like us: