Malakanyang nagpasalamat sa mapayapang pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power 1

edsa 31

 

Pinasalamatan ng Malakanyang ang publiko sa mapayapang paggunita sa ika-31 anibersaryo ng Edsa People Power 1.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kahayagan ito na buhay ang demokrasya sa bansa.

Ayon kay Andanar bagaman nagkaroon ng dalawang lugar ang selebrasyon ng Edsa People Power 1 naidaos ito ng walang kaguluhang naganap.

Sa Edsa People Power Monument pinangunahan nina dating Pangulong Noynoy Aquino, Senators Franklin Drilon, Bam Aquino at Francis Pangilinan ang selebrasyon.

Sa Quirino Grandstand naman nagtipon ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte na pinangunahan nina Justice Secretary Vitallano Aguirre II, Health Secretary Paulyn Ubial, Communications Secretary Martin Andanar at Senador Allan Peter Cayetano.

Ulat ni : Vic Somintac

 

Please follow and like us: