Malakanyang nagpasalamat sa sambayanang Pilipino dahil sa pagiging popular at pinagkakatiwalaang Outgoing President si Pangulong Duterte

Ikinatuwa ng Malakanyang ang resulta ng Publicus Pahayag survey, para sa ikalawang kwarter ng 2022 na nagsasabing si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaka-popular na Pangulo ng bansa, na bababa sa pwesto.

Sa nasabing survey, nasa 75% ang approval rating ng Pangulo, habang nasa 69% naman ang trust rating nito.

Nagpasalamat si Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar sa sambayanang Pilipino dahil sa hindi pag-iwan sa Pangulo sa loob ng anim na taon.

Sinabi ni Andanar record holder si Pangulong Duterte dahil hindi naging lame duck president sa pagbaba niya sa puwesto sa June 30.

Inihayag ni Andanar, nakita ng publiko ang mga pagbabago sa bansa na ipinatupad ni Pangulong Duterte lalo na sa isyu ng kurapsyon, ilegal na droga at kriminalidad maging sa imprastraktura sa ilalim ng build build build program sa kabila na tinamaan ang bansa ng pandemya ng COVID -19.

Vic Somintac

Please follow and like us: