Malakanyang, nakiramay sa pamilya ng mga namatay sa lindol sa Mindanao

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ng mga namatay sa malakas na paglindol na tumama sa North Cotabato at ilang lugar pa sa Mindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ikinalulungkot ng Palasyo ang nangyari lalo na sa mga namatay gayundin sa mga naapektuhan ng lindol na nasira ang kanilang mga tahanan.

Ayon kay Panelo inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng National Desaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC na tulungan ang mga apektadong residente.

Umapila si Panelo sa mga biktima ng lindol na magpakahinahon at iwasang magpakalat ng mga fake news na lilikha ng pagpapanic ng publiko.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *