Malakanyang, pinag so sorry kay Hidilyn Diaz

Pinagso- sorry ni Senador Richard Gordon ang Malakanyang kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Ayon sa Senador, dapat aminin ng Malakanyang ang pagkakamali sa pagsama kay Diaz sa listahan ng diumano’y destabilizers noong 2019.

Sinabi pa ng Senador , isang miyembro ng gabinete ang nagkamali at ang mga miyembro ng gabinete ay nagsasalita para sa Pangulo.

Nararapat lang aniya na humingi ng paumanhin ang Malakanyang at aminin na mali ang nakuha nilang impormasyon noon.

Noong Mayo ng 2019 , inilabas ni Presidential legal adviser Salvador Panelo ang listahan ng umano’y destabilizers kung saan kasama si Diaz pero sinabing hindi beripikado.

Meanne Corvera

Please follow and like us: