Malakas na lindol na tumama sa Tibet malapit sa Nepal, nag-iwan ng hindi bababa sa 53 patay

Reuters

Isang magnitude 6.8 na lindol ang tumama sa northern foothills ng Himalayas malapit sa isa sa mga siyudad sa Tibet.

Ayon sa Chinese authorities, hindi bababa sa 53 katao ang namatay bunga ng lindol na nagpauga rin sa mga gusali sa katabing Nepal, Bhutan at India.

Reuters

Ang lindol ay tumama kaninang alas-9:05 ng umaga (0105 GMT), na ang sentro ay natunton sa Tingri, isang rural Chinese county na kilala bilang northern gateway sa Everest region.

Sinabi ng China Earthquake Networks Centre, na may lalim itong 10 10 km (6.2 miles).

Ayon naman sa U.S. Geological Service, ang lindol ay may magnitude na 7.1.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *