Malawakang kilos protesta ng iba’t ibang grupo bukas, Setyembre 21, tuloy na tuloy na

Kasado na ang ikinasang malawakang kilos protesta ng iba’t ibang grupo bukas, Setyembre 21, kasabay ng ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.

Magtitipun-tipon sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang iba’t ibang grupo at sabay-sabay na magmamartsa patungong Luneta kung saan gagawin ang malakihang programa.

Kaugnay nito, pinalawak pa ng Malacañang ang naunang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa suspensyon ng klase at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Paglilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, saklaw lamang ng nasabing suspensyon ang klase sa mga pampublikong paaralan gayundin sa mga State Colleges and Universities (SUCs) gayundin ang pasok sa pambansa maging sa mga lokal na tanggapan.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *