Mandato ng PCGG na habulin ang mga tagong-yaman, mananatili kahit ililipat na ng opisina

Mananatili pa rin ang mandato ng Presidential Commission on Good Government o PCGG na paghabol sa mga ill-gotten wealth.

Paliwanag ni Good Government and Public accountability Chairman Cong. Johnny Pimentel, opisina lang ang mawawala ngunit mananatili pa rin ang function ng nasabing tanggapan.

Hindi rin aniya tamang banggitin na bubuwagin ang PCGG kundi ililipat lamang ng opisina at maaaring gawing Division o Department na lamang ng Office of the Solicitor General o OSG.

“Yung opisina lang naman ang mawawala pero yung function mananatili dahil malilipat lamang sa OSG ang tanggapan nito. So yung trabaho po natin na pagrecover sa mga tagong-yaman hindi po mawawala yun. andun pa rin yun”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *