Manila mayor Isko Moreno, kinumpirmang may mga naipit sa gumuhong gusali ng Sogo sa Malate

Kinumpirma ni Manila City Mayor Isko Moreno na may ilang katao na naipit sa gumuhong gusali ng Sogo Hotel sa Mabini, Maynila.

Pero tumanggi pa muna si Moreno na magbigay ng bilang ng mga naipit sa loob ng gusali o kung ilan ang sugatan o casualties.

Sa ngayon aniya ay focus muna sila sa pagsagip sa mga sugatan.

Kaugnay nito, iniutos ni Moreno ang pagsasara ng katabing Sogo hotel sa bahagi ng Adriatico.

Nabatid na tumatanggap pa ng mga customer ang motel kahit na gumuho ang Mabini side ng gusali.

Ayon sa Manila PIO, sumasailalim sa demolisyon ang lumang gusali.

Batay sa mga unang responders, naganap ang insidente bandang alas-9:30 ng umaga.

Nakaantabay na sa lugar ang mga ambulansya at fire trucks para sa isinasagawang rescue operations.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *