Manila Mayor Isko Moreno, pinangunahan ang Flag raising ceremony sa bagong linis na Bonifacio shrine

photo credit: FB page of Isko Moreno Domagoso

Matapos ipalinis mula sa mga nagkalat na dumi ng tao at mga vendor, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ginawang flag raising ceremony na ginanap sa Bonifacio shrine.

Matatandaang nang inspeksyunin nitong nakaraang linggo ay tinawag na isang malaking kubeta ni Moreno ang shrine dahil sa labis na pagkadismaya sa mga nakitang nakakakalat na dumi ng tao.

Sa pag-iikot ay aksidente pang nakatapak ng dumi ng tao ang alkalde.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga empleyado ng City Hall, sinabi ng alkalde na sa mahabang panahon ay hindi napakinabangan ang Bonifacio Shrine na isang parke dahil sa naging madumi ito.

Ito ang unang pagkakataon na ginanap ang flag raising sa Bonifacio shrine sa halip na sa Manila City Hall mismo.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *