Manila RTC Branch 32 sarado hanggang September 25 matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang kawani

Ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng Manila Regional Trial Court Branch 32 matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang kawani.

Sa memorandum ni Executive Judge Virgilio Macaraig, sinabi na sarado hanggang September 25 ang nasabing Korte.

Inatasan din ang lahat ng Court personnel na sumailalim sa self-quarantine at magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng staff na nagpositibo sa virus.

Samantala, sarado naman hanggang sa September 28 ang Office of the Clerk of Court ng Batangas City RTC.

Pisikal na sarado rin hanggang September 18 ang Malolos City RTC Branch 76 makaraang mahawahan ng Covid ang isang kawani.

Gayunman, ipatutupad ang limited skeleton workforce sa nasabing branch habang ang iba ay work from home.

Moira Encina

Please follow and like us: