Mark Ruben Taguba, sumuko na sa NBI

Sumuko na sa National Bureau of Investigation o NBI ang tinaguriang Customs fixer na si Mark Ruben Taguba.

Si Taguba ay isa sa mga iniuugnay sa pagpupuslit ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs mula sa China.

Sumuko si Taguba matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest ng mga opisyal at tauhan ng NBI.

Nauna nang naglabas ng arrest warrant ang Manila RTC branch 46 laban kay Taguba sa kasong importation ng iligal na droga o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.

Isinilbi ang arrest warrant sa Senado kung saan naka protective custody si Taguba.

Magugunitang isinailalim sa custody ng Senado noon pang nakaraang taon mula nang imbestigahan ang nangyaring smuggling ng shabu.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *