Markk Perete ipapaalam pa lang kay Justice Sec Menardo Guevarra ang kanyang desisyon na magbitiw sa puwesto

Ngayong araw pa lang ipapaalam ni Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang kanyang desisyon na magbitiw sa pwesto.

Sinabi ni Perete na “very personal” ang dahilan ng kanyang pasya na magresign sa posisyon.

Nais anya sana magpatuloy sa ilalim ng liderato ni Guevarra pero isa raw itong disservice.

Hindi naman malinaw kung irrevocable ang resignation ng opisyal.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Guevarra ukol sa pagbibitiw ni Perete.

Unang pinadala ni Perete ang kanyang pahayag sa kanyang pagbibitiw sa Viber group ng DOJ media kung saan miyembro rin si Guevarra kaninang alas-5:40 ng umaga.

Moira Encina

Please follow and like us: