Mas mahabang pila sa MRT 3, asahan na

mrt3

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Asahan na ang mas mahabang pila sa mga istasyon ng Metro Rail Transit 3 dahil babawasan ng pamunuan ang mga patatakbuhing tren sa susunod na apat na araw.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Deo Manalo, gagawin nila ito upang magbigay daan sa mas masinsing inspeksyon sa mga tren.

Mula sa dating pangkaraniwang  20 tren, gagawin na lamang 15 tren ang patatakbuhin ng MRT-3.

Bukod sa pagbabawas ng patatakbuhing mga tren, babawasan rin ang bilis nito sa 20 kph mula sa dating 40 kph.

Paliwanag ni Manalo, kailangang inspeksyuning maigi ang mga tren, matapos maglabas ng kakaibang tunog ang isa sa mga tren at gumewang-gewang noong Martes ng gabi.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *