Masbate, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

 Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Masbate.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig alas-3:56 ng umaga kanina sa 15 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Dimasalang.

May lalim itong 27 kilometro.

Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at wala ring banta ng aftershocks.

Please follow and like us: