Mass Vaccination program, nakasalalay sa suplay ng anti-Covid-19 vaccine na bibilhin ng PHL

Niliwanag ni National Task Force (NTF) Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na nakasalalay sa availability ng suplay ng anti COVID-19 vaccine na bibilhin ng Pilipinas ang isasagawang mass vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi ni Secretary Galvez kung walang aberya at sapat ang supply ng anti- COVID-19 vaccine maaaring sa kasalukuyang taon ay matatapos ang pagbabakuna sa tinatayang 50 hanggang 70 milyong Filipino.

Ayon kay Galvez kung magkakaroon ng kakulangan sa supply ng anti COVID-19 vaccine, posibleng aabutin pa ng kalagitnaan ng 2022 ang pagbabakuna sa 50-70 milyong Filipino para makabuo ng tinatawag na “Herd immunity” upang makontrol ang paglaganap pa ng Pandemya ng COVID-19 sa bansa.

Inihayag ni Galvez kabuuang 108 milyong doses ng anti COVID-19 vaccine ang bibilhin ng pamahalaan mula sa limang drug manufacturers bukod pa sa 44 milyong doses ng bakuna mula sa World Health Organization (WHO) Global Alliance  COVAX facility.

Vic Somintac

Please follow and like us: