Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago, nagpatawag na ng meeting para talakayin ang issue ng Senate leadership

Nagpatawag na ng pagpupulong si Davao city Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) party para talakayin ang isyu ng Senate leadership.

Kaugnay ito sa bangayan sa Committee Chairmanship ng Senado.

Kasama sa mga ipinatawag sa meeting ang 10 Senador na tumakbo sa HNP at nanalo sa katatapos na eleksyon.

Nauna nang sinabi ni incoming Senator Francis Tolentino na iginagalang niya ang mga kasamahan sa Senado kung susuportahan pa rin si Senate President Vicente Sotto.

Gayunman, mananaig pa rin aniya ang magiging desisyon ng kaniyang partido na HNP at ang PDP- Laban.

Kasama sa mga tumakbo sa HNP sina Senador Sonny Angara, Francis Tolentino, Imee Marcos, Pia Cayetano, Cynthia Villar, Koko Pimentel, Ronald Dela Rosa, Christopher Bong Go at  Bong Revilla.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *