Media workers, pinasasama sa Priority list ng mga babakunahan kontra Covid-19

Hiniling ni Senador Joel Villanueva sa Gobyerno na maisama ang mga media worker sa prayoridad ng mababakunahan.

Sinabi ng Senador, Chairman ng Senate Committee on Labor na mahalaga ang papel ng mga mamamahayag sa pagbibigay impormasyon sa publiko ngayong may Pandemya.

Ang media workers aniya ang information frontliners ng gobyerno bukod pa sa delikado rin ang trabaho sa pagkalap ng impormasyon.

Maituturing rin aniyang frontliners ang mga taga-media at umaasang mauunawan ng gobyerno ang kaniyang apila.

Statement Senador Villanueva:

Ang media workers po natin ay ang ating information frontliners. Bukod sa peligroso ang kanilang trabaho, napakahalaga po ng kanilang ambag na kaalaman at impormasyon laban sa Pandemya,”

Meanne Corvera

Please follow and like us: