Mega Vaccination Hub, inilunsad sa Taguig city

Binuksan na ang isang Mega Vaccination Hub sa Taguig city.

Ayon kay Taguig city Mayor Lino Cayetano, sa naturang vaccination hub, kayang bakunahan ang may 1,000 residente kada araw.

Sa pamamagitan nito ay mapabibilis aniya ang kanilang vaccination rollout.

Ito na ang ika-pitong vaccination site sa Taguig city kung saan batay sa datos nakapagpabakuna na sila ng mahigit 20,000 residente.

Bukod sa mga vaccination site, naglunsad rin ang Taguig ng Mobile hub na magtutungo sa mga Community, Basketball court at mga Business establishment para mapabilis ang pagbabakuna.

Meanne Corvera

Please follow and like us: