Metro Manila at 9 na iba pang lugar sa bansa, mananatili sa GCQ simula Marso 1 – 31

Mananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) at 9 na iba pang lugar sa bansa sa buong buwan ng Marso.

Ito ang inanunsyo ng Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng GCQ ay ang:

NCR (METRO MANILA)
APAYAO
BAGUIO CITY
KALINGA
MOUNTAIN PROVINCE
BATANGAS
TACLOBAN CITY
ILIGAN CITY
DAVAO CITY
AT LANAO DEL SUR

Matatandaang inirekomenda ng Economic Team ng Gobyerno kay Pangulong Duterte na isailalim na sa Modified GCQ ang buong bansa sa Marso upang tuluyan nang mabuksan ang ekonomiya.

Ngunit hindi pumayag ang Pangulo hangga’t hindi pa nasisimulan ang Vaccination rollout ng pamahalaan.

Please follow and like us: