Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal balik sa GCQ

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang IATF virtual meeting, gabi ng Agosto 17 mula sa Davao City.

Balik sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal simula Agosto 19.

Ito ang naging rekumendasyon ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa isinagawang virtual meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Davao City.

Nauna nang inilagay ng IATF sa ilalim ng GCQ ang Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Iloilo City, Cebu City, Lapu-lapu City, Mandaue City, Talisay City, at ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion sa probinsiya ng Cebu.

Ang iba pang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng mas maluwag na Modified Community Quarantine hanggang Agosto 31, 2020.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang IATF virtual meeting, gabi ng Agosto 17 mula sa Davao City.
Please follow and like us: