Metro mayors nagkasundong ipagbawal pa rin ang pagpasok sa mall ng mga menor de edad

Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro manila na ipagbawal pa rin ang pagpasok at pamamasyal sa mall ng mga menor de edad o mga batang may edad 17 pababa dahil sa COVID-19 Pandemic.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia , unanimous ang desisyon ng labimpitong metro mayors matapos komunsulta sa Philippine Pediatric Society of the Philippines.

Napagkasunduan anita ito ng mga alkalde matapos ang kanilang meeting kagabi.

Pero nilinaw ni Garcia na maaring lumabas ng bahay ang mga minors kung mag- e exercise at para sa kanilang essential needs.

Meanne Corvera

Please follow and like us: