Metro Mayors, nakahanda sakaling ibaba sa Alert Level 2 ang NCR

Nakahanda na ang mga alkalde sa Metro Manila sakaling ibaba ang quarantine restrictions sa Alert Level 2.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos na patuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng mga nagpopositibo sa Covid-19 at maganda ang mga inilalabas na datos sa kalakhang Maynila.

Kakaunti na rin aniya ang mga nahuhuli sa mga paglabag sa health protocols gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.

Pero ang Inter-Agency Task Force pa rin aniya ang magpapasya kung luluwagan ang restrictions lalu’t may panibagong variant ng virus sa bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: