4 na ang patay sa aksidente sa Batasan- San Mateo Road, Quezon City

Nasa apat katao na ang patay samantalang marami ang sugatan makaraang mawalan ng preno at araruhin ng isang 22 wheeler truck ang mga sasakyan sa lugar matapos itong mawalan umano ng preno sa bahagi ng San Mateo Road malapit sa Batasan sa Quezon City.

On-the-spot namatay si SFO2 Enrique Faigane ng Bureau of Fire Protection samantalang patay sa ospital ang iba pang mga biktima na kinilalang sina Stephanie Cancino na sakay ng isang kotse at SPO2 Celedonio Caunceran Jr.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang isa pang babaeng namatay sa aksidente

Sa paunang report ng mga otoridad, galing sa Port Area at binabagtas ng nasabing truck na may plakang PUW 454 na minamaneho ni Nilo Calimutan ang bahagi Batasan Road nang mawalan ito ng preno.

Kabilang sa kanyang mga binangga ay apat na pribadong sasakyan, ilang mga motorsiklo at isang pampasaherong jeepney na may plakang AEH 792.

Hindi pa batid ng mga otoridad kung mayroon pang ibang nasa ilalim ng naturang trak dahil punong-puno ito ng malalaking mga bakal na ginagamit sa pagtatayo ng mga gusali.

Kabilang naman sa mga sugatan ang mismong tsuper ng trak na ngayon ay nasa custody na ng QCPD Station 6.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *