Bagong Justice Secretary Menardo Guevarra pinulong ang mga opisyal ng DOJ

Pinulong na ni bagong  Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal ng Department of Justice o DOJ.

Ayon kay Guevarra, gusto niyang maging pamilyar sa ibat ibang mandato ng DOJ at sa mga organisasyon ng kagawaran.

Sa pamamagitan nito ay malalaman din anya kung mangangailangan ng dagdag na mga tao sa DOJ.

Inihayag pa ni Guevarra na pinahintulutan din siya ni Pangulong Duterte na palitan ang mga tao sa kagawaran na sangkot sa mga iregularidad.

Sinabi rin anya sa kanya ng pangulo na hindi ito makikialam sa paraan niya ng pagpapatakbo sa Kagawaran.

Ibinilin din anya ng pangulo na huwag pagbigyan ang mga kamag-anak niya  na hihingi ng pabor sa DOJ.

Tiniyak ng bagong kalihim na wala siyang agenda kundi ganapin ang mga marching orders ni pangulong duterte ilan na rito ang paglaban sa iligal na droga at terorismo.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *