Balitang isinugod sa Cardinal Santos Medical center si Pangulong Duterte, fake news – Malakanyang

Tinawag ng Malakanyang na fake news o kuryenteng balita ang kumalat na impormasyon na dinala sa Cardinal Santos Medical center si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na katunayan nasa Mindanao ang Pangulo.

Panauhing pandangal pa aniya ang Pangulo sa ika -69 araw ng Ipil sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Roque noong gabi bago ang SONA, nagpunta sa Cardinal Santos Medical center ang Pangulo para sa kanyang regular medical check up.

Lumabas sa resulta ng medical check up na malusog ang Pangulo kaya malabo ang kumalat na balita na isinugod sa ospital ang Presidente.

Inihayag ni Roque na maaaring makasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *