Biyahe ng LRT-Line 1, nagka-aberya

 

Tumirik ang isang tren ng LRT-line 1 kaninang umaga.

Ayon kay LRT-1 Head of Operations Rod Bolario, walang pasahero ang tren nang ito ay tumirik.

Papalapit na aniya sa Roosevelt station ang tren, ang huling istasyon ng line 1 nang ito ay biglang huminto dahil sa nagka-problemang air compressor.

Gayunman, humambalang ito sa linya kaya naapektuhan din ang biyahe ng ibang tren na nasa magkabilang linya o papuntang Roosevelt at Balintawak stations.

Nahila rin ang nagka-aberyang tren kalaunan.

Alas- 7:27 ng umaga kanina nang makabalik sa normal ang operasyon ng tren.

 

================

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *