Dept. of Finance, pinagpapaliwanag ng Senado sa Voucher sa gasolina para sa PUV

Pinagpapaliwanag na ni Senador Grace Poe ang Department of Finance sa
ipinangakong fuel vouchers lalo na sa mga Public Utility Vehicle o PUV’s.

Sa harap ito ng mga reklamo sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Nag-inspeksyon si Poe sa mga terminal ng mga PUV’s sa Legazpi sa
Albay kung saan natanggap ang hinaing ng mga drivers.

Sinabi ni Poe na bago aprubahan ang Train law, nangako ang DOF na magbibigay ng vouchers bilang ayuda sa mga drivers pero hanggang ngayon aniya ay wala pang natatanggap ang mga ito.

Nauna nang nanawagan ang mga Senador na pansamantala munang suspendihin ang excise tax sa ilalim ng Train law habang mataas pa ang presyo ng krudo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *