DOJ, pabor sa muling pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao

Suportado ng DOJ ang muling pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hangga’t mayroong factual basis ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa extension ng Batas Militar ay susuportahan ito ng kagawaran.

Walang nakikitang dahilan ang DOJ para pagdudahan ang report ng AFP ukol sa nagpapatuloy na rebelyon sa Mindanao at ang pangangailangan para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Si Guevarra ay kabilang sa mga miyembro ng gabinete na humarap sa Joint Session ng Senado at Kamara para idipensa ang pagpapalawig pa ng Martial Law sa Mindanao.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *