DOJ, tutulong sa pagpili ng 3rd Telecommunications company player sa bansa

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tutulong ang Department of Justice o DOJ sa pagpili ng 3rd Telecommunication Company player sa bansa.

Ayon sa kalihim, re-rebyuhin ng DOJ ang term of reference para sa ikatlong telco player.

Gayundin ang pag-aaral sa mga kontrata, mga grants of licenses and permits at iba pa para matiyak na makakatugon ang mga ito sa lahat ng umiiral na batas at mga patakaran sa bansa.

Sinabi ni Guevarra na hiningi ng National Telecommunications Commission o NTC ang tulong ng DOJ sa nasabing usapin.

Sa ngayon ay dalawa lamang ang major telcos na nag-o-operate sa bansa, ang PLDT-Smart at Globe Telecom.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *