DPWH magsasagawa ng road repair sa bahagi ng EDSA sa Quezon City ngayong long weekend

Isasailalim sa pagkukumpuni ng DPWH ang ilang bahagi ng EDSA at dalawang pangunahing lansangan sa Quezon City at Maynila ngayong weekend.

Sinabi ni DPWH-NCR Director Melvin Navarro, ang mga ito ay ang bahagi ng EDSA sa southbound direction ng Arayat Street, third lane at tapat ng Francesca Tower hanggang pagkalagpas ng Scout Borromeo, third lane mula mula sa center island, at ng northbound direction malapit sa North Avenue-MRT Station, second lane.

May road repair din ang DPWH sa Lacson Avenue malapit sa España at bahagi ng Batasan Road mula Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan Street, second lane.

Sisimulan ang pagkukumpuni alas-onse ng gabi ng Biyernes at ito  tatagal hanggang ala-singko ng madaling araw sa Lunes, June 18.

Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang pagbabagal sa trapiko sa mga nabanggit na lansangan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *