Drug Suspect sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila nasawi sa buy bust operation

Dead on the spot matapos pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ang jeepney driver na ito sa Perla St Tondo, Maynila

Kinilala kwarentay uno anyos na biktimang si Angelito Samonte

Ayon sa ilang residente, isang lalaki ang pumasok sa loob ng bahay ng biktima at walang awang sunod sunod na pinaputukan ng baril ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan

Sinabi naman ng mga otoridad, ginagawa umanong drug den ang bahay at pumupunta lamang doon ang biktima para mag pot session kasama ang iba pang drug addict

Sa New Antipolo St Tondo Maynila pa rin, nasawi naman si Daniel Menjon matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga otoridad

Ayon kay Police Senior Inspector Ness Vargas ng MPD Station 7 talamak umanong tulak ng droga ang suspect sa lugar kaya naman nagsagawa sila ng buy bust operation

Nang magkaabutan na ng pera at droga ay nakahalata daw ang suspect na pulis ang katransaksyon kaya tumakbo ito at dali daling bumunot ng baril at nakipag barilan sa mga pulis

Maswerte naman walang tinamaan ng bala sa hanay ng mga otoridad

Patuloy naman ang paalala ng mga pulis sa mga nagbebenta ng droga na hindi sila titigil sa mga operasyon hanggat hindi nahihinto amg bentahan ng illegal na droga.

Ulat ni Paulo Macahilas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *