Executive order para sa End of contract, lalagdaan ni Pangulong Duterte bago ang Labor Day-Malakanyang

Asahan na ang isang Executive Order o EO na ipalalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kontraktualisasyon bago o sa mismong araw ng paggawa sa Mayo 1.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tulad ng pangako ni Pangulong Duterte tutuparin nito ang kaniyang campaign promises.

Ayon kay Roque  maghintay hintay lamang ng konteng panahon at lalagdaan din ng Pangulo ang EO laban sa endo.

Nilinaw ni Roque na hindi ngayong araw ang schedule ng paglagda ng Pangulo sa EO tulad ng pinalulutang ng ilang labor group.

Sinabi  ni Alex Tanjusay ng Associated Labor Unions- Trade Union Congress of the Philippines O ALU- TUCP na sa araw na ito pipirmahan ng Pangulo ang kautusan nitong tigilan na ang endo o end of contract  ng mga manggagawa sa bansa.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *