Expanded Maternity leave, isa nang ganap na batas

Nilagdaan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang expanded maternity leave law.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, isa sa may-akda ng batas, iisa itong malaking tagumpay para sa mga working mothers.

Sa inaprubahang batas, ang lahat ng mga buntis na nagtatrabaho ay makakatanggap na ng 105 na paid maternity leave credits mula sa dating 60 days.

Pitong araw dito ay transferable sa mga ama  habang karagdang 15 araw para  sa mga single mothers.

Layon ng batas na mabigyan ng sapat na pahinga ang mga babaeng nagbuntis hanggang sa kaniyang panganganak at  sapat na panahon para makapag breastfeeding sa mga sanggol.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *