Inter-agency Task Force on Federalism, mayroon nang napiling mga Spokespersons – Malakanyang

Mayroon ng mga magiging spokespersons ang pamahalaan tungkol sa Pederalismo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, isasapubliko ang magiging federalism spokesman sa sandaling  matapos na ang ikatlo at pinal na pagpupulong ng inter-agency ngayong  linggong ito.

Sinabi ni Andanar, nais na nilang simulan ang pangangampanya sa pederalismo  kaya’t pagkatapos na pagkatapos ng pinal na pagpupulong ng inter-agency ay agad na silang gagalaw upang ikasa ang Federalism campaign.

Inihayag ni Andanar agad na gagawin ng PCOO ay ang  makagawa ng Radio at TV advertisement habang makikipag-usap na rin sila sa KBP o Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas para sa anomang posibleng maitulong nito sa information dissemination campaign ng gobyerno tungkol sa Pederalismo.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *