Isang lalaki, patay sa saksak sa Barangay Talipapa, QC

Pinagsasaksak ang isang lalaki ng kaniyang kainuman sa Arty 2 St., Barangay Talipapa, Quezon City kagabi.
Nakilala ang biktima na si Reymond Chan, 24 anyos at residente ng Pasong Tamo, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakikipag-inuman umano ang biktima kasama ang isa pa at ang suspek na si Alfredo Ayahay.
Dahil sa kalasingan, napahiga si Chan nang marinig nito na nagtatalo ang suspect at anak nito.
Agad bumangon si Chan at tinanong ang suspek kung ano ang pinagtatalunan nila ng anak nito. Pinigilan pa siya ng iba nilang kasamahan ngunit tinuloy pa rin ni Chan ang pangingielam.
Dahil sa pakikielam ng biktima, inundayan siya ng saksak ng suspek.
Matapos ang pananaksak, umalis ang suspek na parang walang nangyari.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.
Ulat ni Earlo Bringas
=== end ===
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *