Justice Secretary Guevarra, nagtalaga ng OIC Deputy Commissioner ng Bureau of Immigration

Pansamantalang aakto bilang Deputy commissioner ng Bureau of Immigration si Port Operations Division chief Marc Red Mariñas.

Itinalaga ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Mariñas kapalit ng nagbitiw na si Atty Aimee Torrecampo-Neri

Nagbitiw si Neri dalawang linggo na ang nakakalipas dahil sa personal na kadahilanan.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, si Mariñas muna ang aakto sa isang posisyon sa Board of Commissioners habang wala pang permanenteng napipili ang Malakanyang bilang deputy commissioner ng BI.

Kasama niya sa Board of Commissioners sina Morente at BI Deputy Commissioner Tobias Javier.

Ang Board of Commissioners ang dumidinig at nagpapasya sa mga kaso ng deportation laban sa mga dayuhang nakagawa ng paglabag sa Immigration Laws ng bansa.

Ito rin ang nag-aapruba sa lahat ng mga aplikasyon para sa immigrant at non-immigrant visa ng mga banyaga.

Gagampanan pa rin ni Mariñas ang kanyang orihinal na tungkulin bilang hepe ng Port Operations Division.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *