Mag-asawa, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City

Patay ang mag-asawa matapos pagbabarilin ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Camarin, Caloocan City.
Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Albine at Nemia Nervar.
Ayon sa mga kapitbahay, pasado alas-8:00 ng kagabi nang makarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril.
Ang mga anak naman ng mga biktima ay nasa labas ng bahay at naglalaro nang mangyari ang insidente.
May nakasaksi rin na ang suspect ay bumili pa ng sigarilyo sa tindahang malapit sa bahay ng mga biktima at ilang minuto lamang ang lumipas ay pumasok na ito sa loob ng bahay.
Ang mag-asawa ay nagtamo ng tama ng baril sa ulo.
Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang insidente at pagkakakilanlan ng mga suspect.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *