Mahigit 8,000 pamilya sa Pasig City, maaapektuhan ng water interruption ng Manila Water

Mahigit 8,000 households ang maaapektuhan ng water service interruption ng Manila water sa Barangay Santolan, Pasig City.

Ayon sa Manila water, pitong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga residente sa nasabing barangay sanhi ng maintenance sa bahagi ng Evangelista St., kanto ng Amang Rodriguez.

Sisimulan ang service interruption mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga bukas, March 9.

Pinayuhan na ng Manila water ang mga apektadong residente na mag-ipon ng kanilang kakailanganing tubig.

 

==============

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *