Malacañang: Pondo ng gobyerno hindi apektado ng Federalismo 

Pinakakalama ng Malacañang ang publiko at tiniyak na walang negatibong epekto sa ekonomiya ang isinusulong na pagbabago ng kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Federalismo.

Taliwas ito sa pahayag ni Socio -economic planning Secretary Ernesto Pernia na masama ang epekto sa ekonomiya ng pagbabago ng sistema ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng sistemang Federalismo ay mananatili pa rin sa parehong halaga ang national budget.

Paliwanag pa ni Roque na ang budget na nakalaan para sa natukoy na national projects ay ililipat lamang sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng local government units.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang maintenance ng mga kalsada at tulay sa mga barangay, serbisyo sa suplay ng tubig, Barangay health centers at daycare centers, solid waste disposal system ng mga munisipalidad at iba pa.

Ayon kay Roque, ang magiging pangunahing papel ng National government ay ipagpatuloy lamang ang pagpapatupad ng build, build, build projects gayundin ang pagtutok na lamang sa policy making.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *