Malakanyang, kinondena ang pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili

Nagpaabot ng pakikikiramay ang Malakanyang sa pamilya  ni Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili matapos barilin sa harapin ng munisipyo habang dumadalo sa flag raising ceremony. s

Snabi ni Presidential spokesman Harry Roque na isang malaking kawalan si Mayor Halili sa kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Ayon kay Secretary Roque nangangako ang pamahalaan na bibigyan ng katarungan ang pagpatay kay Mayor Halili.

Tumanggi naman si Roque na sagutin ang tanong na bagamat kilala si Mayor Halili sa kanyang shame campaign sa mga kriminal at sangkot sa ilegal na droga kasama ang alkalde sa mga pinangalanan ni Pangulong Duterte na nasa narcolist.

Inihayag ni Roque na saka na lang pag-usapan ang pagkakasama ni Mayor Halili sa narcolist ng Pangulo ang mahalaga ngayon ay makiramay muna sa pamilya at sa mga taga -Tanauan Batangas.

Magugunitang November 2017 naisama sa Narcolist ng Pangulo si Mayor Halili kaya inalisan siya ng supervision and control sa pulisya sa kanyang bayan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *