Mga committee hearings sa Senado kinansela na para bigyang daan ang deliberasyon sa budget

Kinansela na ng Senado ang mga nakatakdang committee hearings simula sa susunod na linggo.

Ito’y para bigyang daan ang pagtalakay sa panukalang tatlong trilyong pisong pambansang budget para sa 2019.

Sinabi ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri na ginawa ito para hindi mahati ang atensyon ng mga Senador oras na isalang na sa plenaryo ang budget.

Simula sa Martes, magsasagawa na rin aniya sila ng marathon hearings mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ikinukunsidera rin aniya nila na i-extend ang sesyon ng Huwebes hanggang Biyernes kung kakapusin ng panahon.

Pumayag na rin aniya ang minority block sa ganitong set up para patunayan na hindi sila ang dahilan para ma-delay ang approval ng budget.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *