Mga empleyado ng Hudikatura maagang pinauwi dahil sa Transport strike

Maagang pinauwi ang mga kawani sa buong hudikatura dahil sa jeepney transport strike.

Ipinag-utos ni acting Chief Justice Antonio Carpio na hanggang alas-2:00 ng hapon na lamang ang pasok sa lahat ng mga Korte sa buong bansa.

Kabilang dito ang Supreme Court, Court of Appeals, Court of tax appeals, Sandiganbayan at mga trial courts.

Inabisuhan naman ni Carpio ang mga frontline office sa Korte Suprema, CA, CTA at Sandiganbayan na magmantine ng Skeletal force.

Inatasan rin ang mga executive judge ng mga trial courts na maghanda ng skeletal force sa kani-kanilang hurisdiksyon.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *