Mga kapwa Senador at mga tagasuporta pinasalamatan ni Senador Koko Pimentel

Pinasalamatan ni outgoing Senate President Koko Pimentel ang mga kapwa Senador at mga sumuporta sa kaniya sa panahon ng pamumuno sa Senado sa nakalipas na dalawang taon.

Ayon kay Pimentel, panatag siyang bababa dahil alam niya ang kalidad ng trabaho ng papalit sa kaniya.

Dahil aniya sa suporta ng mga kasamahan, naipasa ang mahahalagang panukalang batas kabilang na ang libreng tuition fee at irigasyon para sa mga magsasaka.

Bagamat may mga kasamahan aniyang may sama ng loob sa kaniya, normal aniya itong nangyayari sa anumang organisasyon.

Sa ngayon plano ni Pimentel na tutukan ang pagsusulong ng Federalismo at pagpapalakas sa partido na PDP-Laban.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *