Mga Piskal na humawak sa Drug case nina Kerwin Espinosa at Peter Lim, tinawag na Premature ang panawagan ng PACC na suspendihin sila

Tinawag na premature ng mga piskal na duminig sa drug case nina Peter Lim at Kerwin Espinosa ang rekomendasyon ng Presidential Anti- Corruption Commission o PACC na suspendihin sila.

Ayon kina Assistant State Prosecutors Michael John Humarang at Aristotle Reyes na ngayo’y judge na ng Lucena Regional Trial Court, hindi pa tapos ang kaso laban kina Lim at Espinosa dahil ito ay isasailalim pa sa review ng Justice secretary at  sa preliminary investigation ng panibagong Panel of Prosecutors.

Dahil dito ay wala pa anilang pinal na desisyon kung absuwelto na sa illegal drug trading ang mga respondents.

Nanindigan sina Humarang at Reyes na ginawa lang nila ang kanilang sinumpaang tungkulin at handa nilang harapin ang mga alegasyon laban sa kanila.

Iginiit nina Humarang at Reyes na isinagawa nila ang preliminary investigation sa kaso nina Espinosa na alinsunod sa mga applicable rules at ang kanilang resolusyon ay batay sa mga ebidensyang iprinisinta sa panel ng mga complainant.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *