Mga tagasuporta ni Labor Secretary Silvestre Bello III sumugod sa tanggapan ng DOLE

Nagtungo sa punong tanggapan ng Department of Labor and Employement sa Intramuros, Maynila ang ibat-ibang grupo ng mga OFW at mga recruitment agencies.

Ito ay para ipakita ang suporta kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Bitbit ang mga banner at tarpaulin, pumuwesto ang mga grupo sa harap ng gusali ng DOLE hanggang sa mismong entrance ng Labor Department.

Ang ilan sa mga supporters ni Bello ay galing pa sa mga probinsya gaya ng Nueva Vizcaya.

Isinabay ng mga ito ang pagsugod sa DOLE sa huling araw ng pagkakampo ng grupo ng mga empleyado na natanggal sa trabaho sa PLDT.

Una nang naglabas ng manifest of support kay Bello ang ilang mga samahan ng lisensyadong recruitment  at manpower agencies sa bansa.

Nalagay sa kontrobersiya si Bello kasunod ng paghahain ng reklamo laban dito sa Presidential Anti-Corruption Commission dahil sa sinasabing pagtanggap ng kalihim ng 100,000 pesos at mamahaling cellphone noong 2016 na mariing itinanggi ng kalihim.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *