Misis, pinatay ng sariling mister sa Quezon City

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang ginang matapos pagtatagain ng kaniyang sariling mister sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Republic Avenue, Barangay Holy Spirit, Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Heide Estrera, 46 anyos at ang suspect na si Orlando Estrera, 43 anyos.

Nadiskubre ng mga tanod ang krimen bago mag-alas-sais kagabi matapos magsumbong ang mga bata sa lugar na may nakita silang ilang bahagi ng katawan ng tao habang sila ay naglalaro.

Pagpasok pa lang ng mga tanod sa bahay ng suspect at natagpuan pa ang nagkalat na mga kagamitan at naabutan din nilang nakatiwangwang ang hati-hating bangkay ng babaeng biktima.

Ayon kay Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, posibleng may problema sa pag-iisip ang suspect kaya nito nagawa ang nasabing krimen.

Itinuring din ni Eleazar ang insidente na na isang Crime of passion and Hatred.

Nagulat rin ang kapitbahay ng mag-asawa dahil hindi nila akalain na magiging kagimbal-gimbal ang sinapit ng babae sa kamay ng sarili nitong asawa dahil wala naman umano silang narinig na nag-away o alitan ang mag-asawa.

Aminado naman ang suspect sa ginawa niyang pagpaslang sa asawa at ayon sa kaniya, hirap at galit umano ang dinaranas niya sa panahon ng kanilang pagsasama kaya nagawa niya ang karumal-dumal na krimen.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspect at nasa kustodiya na ang suspect ng QCPD Criminal Investigation and Detection unit.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *