MRT at LRT, may libreng sakay bukas, June 12, Araw ng Kalayaan

 

May libreng sakay sa MRT at LRT , bukas, June 12,  Araw ng kalayaan.

Sa abiso ng MRT-3, mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi bukas,  magbibigay sila ng libreng sakay.

Sa parehong oras din ang pagkakaloob ng libreng sakay ng LRT- Line 1 na biyaheng Baclaran to Roosevelt at pabalik.

Gayundin ang LRT- Line 2 na biyaheng Santolan to Recto naman at pabalik.

Ang libreng sakay ay handog ng LRT Line 1 at 2 at ng MRT-3 para sa paggunita ng Araw ng kalayaan.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *