NCCA Library isasara sa loob ng 3-buwan

Isasara ng tatlong buwan sa publiko ang library ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA) sa Maynila.

Sa abiso ng NCCA, mula October 1, 2018 ay isasara muna ang library at magbabalik sa normal na operasyon sa January 2, 2019.

Ayon sa NCCA , layunin ng temporary closure na magkaroon ng pagkakataon ang kanilang Library Services Section (LSS) na i-review at ayusin pa ang kanilang library policies, services, at pasilidad.

Magsasagawa din ng update, inventory, at pag-reclassify sa kanilang mga koleksyon at paghahandaan ang taunang physical inventory ng supplies management section.

Inabisuhan ng ncaa ang publiko na magbantay lang sa kanilang Facebook page para sa iba pang anunsyo.

 

==========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *