“Not guilty verdict” ng Sandiganbayan sa kasong plunder kay dating Senador Revilla, iginigalang ng Malakanyang

Nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng Sandiganbayan na nagpawalang -sala kay dating Senador Bong Revilla sa kasong plunder kaugnay ng Pork barrel scam.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na Judicial process ang Acquittal at Conviction ng isang akusado.

Ayon kay Panelo, ang conviction naman nina Pork Barrel scam queen Janet Lim Napoles at Atty. Richard Cambe, Chief of Staff ni Revilla ay kahayagan na mayroong matibay na ebidensiya sa krimeng kanilang ginawa.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *